Kay Hirap Maging Ina
Ang minsang naging banat ni nanay noong naging mapili kami sa pagkain: "Kung ayaw ninyo nang ulam, mamatay kayo sa gutom!"
Hindi naman brutal si ina, mapagbiro lang talaga sa madalang na panahon. At sa pagkakasakit ninya noong nakalipas pa na linggo, naisip kong hindi nga talaga biro ang kanyang mga trabaho sa bahay. Kaya nga pala hindi na kami dapat pang maging pihikan sa ulam. :)
Para sa listahan ng mga habilin ni ina na aking natutunan:
Mag-gayat ng sibuyas, bawang, luya. Tunay ngang nakakapagpaiyak si sibuyas!
Pag-kuha ng papaya sa puno. Hindi ko naman talaga inakyat ang puno, sinungkit lang namin ni kuya yung papaya.
Pag-gigisa
Pag-luluto ng Tinola (Mas masarap palang kumain 'pag ikaw ang nagluto!)
Mag-saing ng hindi sunog o hilaw :D
Mag-luto ng noodles (para yan kay nanay :)
At sa lahat ng ito, isa lang ang nasabi ko kay ate, "Kay hirap maging ina" Naisip ko din lang na kaya ayaw ko palang mag-luto ay dahil sa tantsa-tantsa ng mga ingredients. Para bang napakatechnical ko. "Nay dapat ba ganito? Ilang cups ng tubig dapat?" Narealize ko na dapat palang mag-experiment at maging maparaan. Walang perpektong sangkap para sa perpektong ihahain. Ang susi ay gumawa ng para sa ikabubuti hindi sa ikapeperpekto ng lahat.
Isa lang talaga yung 'di ko natutunan kasi si Anne na ang gumawa:
Pamamalengke
Ito ang aking susunod na misyon! :D
Kay hirap ngang maging ina. Kaya kahit hindi Mother's day, daughters (o kahit sons) we ought to give back! (Parang American Idol gives back lang :) Tulungan natin ang mga ilaw ng ating tahanan ngayong bakasyon.
Nakatulong ka na, natuto pa at napangiti pa si Nanay ( plus si Lord )
PI-YA-NO PAANO?
Hindi ako isang henyo sa musika, isa lamang hamak na nag-aasam na mag-aral nito. Nang tinuruan ako ng isang henyo dito (Si Kuya Chad) marami akong naging mga repleksyon:
Una (1) Lahtat pala ng natutunan natin noong elementarya, sekondarya at kahit ngayong kolehiyo ay nag-kokontirbyut sa mga bagay na gusto pa nating matutunan sa hinaharap.
*Yung Every-Good-Boy-Does-Fine (EGBDF) AT Father-Always-Come-Early (FACE) - elementary.
*Nung high school ako nag-simulang maging curious sa piano.
Natutunan kong tumugtog.........................
Ng do-re-mi, happy birthday, twinkle twinle little star, london bridge, (HAHA. :D)
*Ngayong kolehiyo naman napag-aralan namin sa Humanities ang chords.
At bawat piraso ng kaalaman na iyon, kapag pinagtagpi-tagpi pala ay makabubuo ng isang damit ng mas malawak na kaalaman. Isa sa mas malawak na kaalaman na iyon ay ang pag-aaral ko ng piano :))
Ikalawa (2) Kung minsan, dahil sa mga dapat pa nating matutunan, nakalilimutan na nating i-appreciate o itangkilik? (haha) ang mga natutunan na natin. Masyado kong gustong matutunan yung komplikado tapos hindi pa ako nakapag-papasalamat- ang layo na rin naman ng kaalamang narating ko!
Ikatlo (3) Minsan, pag may natututunan na tayomg isang bagay, hindi na tayo malayo sa isang sakit. HYDROCEPHALUS - Sa tagalog, labis na pag-laki ng ulo.
Yung tipong, "Wow! Ang galing ko na! Marunong na ko!" Pero sa oras na iyon dapat tayong maging mapanuri.
" Kanino ba nganggaling ang kamay ko, ang utak ko, ang kakayahan ko, ang bawat hininga at mismong buhay ko?"
Dito babalik sa ayos ang lahat. "Wala ako dito kundi dahil sa Lumikha sa akin at hindi ako lilikha nang musika at kung ano pa man kung hindi para sa Kanya."
Ikaapat (4) Ito ay nasa wikang Ingles (pagbigayan na natin ang mga Amerikano :D)
3Ps = Practice + Patience + Passion
Praktis + Pasensya + Pasyon ? (Parang ibang pasyon ata iyon ah. Haha!)
Iyan ang tatlong naisip kong sangkap sa pag-aaral ing isang bagay at syempre dapat nangingibabaw ang TAMANG motibo. (para sa Kanya)
MARUNONG KA - HIGIT PA SA INAAKALA MO!
Noong nasa high school pa ako, inuutusan ako ng titser ko na mag-lettering. Ang sabi ko agad "Hindi ko po kaya iyan, ginagaya ko lang po pero hindi ko po talaga alam kung paano 'yan gawin."
Bigla ko itong naalala ng tinitingan ko ang banner namin para sa DVBS (Daily Vacation Bible School) Tila naisip ko, "Sang banda hindi ko nakaya? "
Napaisip tuloy ako. Ang lagi kong sinsabing hindi ko kayang gawin, dahil lagi kong pinapraktis sa school at Sunday School- kaya ko na rin!
At ang isa pa ring nakagugulat- kaya ko rin naman palang mag-drawing kung susubukan ko!
Sabi nga ni Pastor Obet, "God created us fully LOADED." Kinargahan tayo ng napakaraming talento na kinakailangan nating madiskubre. At siyempre ito lamang ay posible sa pagtanggap at pag-hawak natin ng responsibilidad.
PANGWAKAS
Sa Ingles: A notable thing to do a day,
Keeps the nonsense and wasted time away.
Ang bakasyon ay talgang hindi dapat sayangin, Hindi lang 'to panahon ng pagpapahinga kindi panahon para matuto pa! :))
No comments:
Post a Comment